Author Topic: Gynecomastia Surgery by Dr. Benjamin Herbosa (Philippines)  (Read 15561 times)

rizal09

  • Guest
Katatapos lang ng surgery ko last oct2 with doc benny. bumalik ako kanina kasi namaga. kailangan i drain. Mild case lang talaga ung sakin kaso nirewrap ko ung bandage kasi maluwag so kaya daw nagclot. Kapag ba nagclot magsusubside naman ba to? Gaano kaya katagal. im disappointed with myself kasi nire wrap ko pa ung bandage. when i saw my chest earlier nung nilagyan nila ng mas makapal na bandage natakot ako kasi ang laki. sana maga lang talaga. Id like to re iterate na mild case lang talaga ung sakin so nafrustrate ako sa nakita ko sa chect ko kanina. would appreciate some feedback about this. salamat.

Offline firefistjc

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 19
Katatapos lang ng surgery ko last oct2 with doc benny. bumalik ako kanina kasi namaga. kailangan i drain. Mild case lang talaga ung sakin kaso nirewrap ko ung bandage kasi maluwag so kaya daw nagclot. Kapag ba nagclot magsusubside naman ba to? Gaano kaya katagal. im disappointed with myself kasi nire wrap ko pa ung bandage. when i saw my chest earlier nung nilagyan nila ng mas makapal na bandage natakot ako kasi ang laki. sana maga lang talaga. Id like to re iterate na mild case lang talaga ung sakin so nafrustrate ako sa nakita ko sa chect ko kanina. would appreciate some feedback about this. salamat.
kung na drain mawawala din yan, basta wag mo lang galawin yung bandage kahit gano man kakati o kasikip :)

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
firefistjc pre, nakapag gym ka na ba ulit?
ang worry ko kasi pag nagpatanggal ako baka matagal pa bago ako makapag gym ulit. tnx.

tnx mga tol....balik na sa gym next week pede na daw sabi ni doc hehe

Offline firefistjc

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 19
firefistjc pre, nakapag gym ka na ba ulit?
ang worry ko kasi pag nagpatanggal ako baka matagal pa bago ako makapag gym ulit. tnx.

tnx mga tol....balik na sa gym next week pede na daw sabi ni doc hehe
ok na ko ng 1 month eh kahit magbuhat, may parang napupunit pero sabi ni doc ok lang daw yun langib lang daw dapat daw talaga  mastretch, sasabihin naman ni doc kung pwede na magbuhat o kung pwede na tanggalin wrap basta magtanong ka lang sa kanya

rizal09

  • Guest
Firefistjc, wala na bang hard mass around your nipples? And wala na bang sakit kapag napepress ung nipples? Thanks.

Offline poorguy23

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 12
Hi Brothers ,

I finally have my schedule on Nov 8 for the surgery like you all as much as possible I'm gathering information and tips on how to make the process go well :) I've known this forum a long time ago way back 2011 but unfortunately i did not have that much money and courage to take the step. But i have a gut feeling that it is now or never. I cannot take anymore the burden of shame and embarrassment that I'm getting within the social community , co-workers and even my relatives for having this disgusting thing. I pray that it will all go well for me and for all out there who plan to have this operation. I 100 % trust Doc Ben for guiding me through and through . I will share my experience afterwards , I would appreciate all your advise and tips . THANKS!!! Brothers....

Offline firefistjc

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 19
Firefistjc, wala na bang hard mass around your nipples? And wala na bang sakit kapag napepress ung nipples? Thanks.
meron pa, mga 1 year yata bago maalis talaga yun, nararamdaman ko pa nga na may langib pa sa ilalim ng tahi saka may part na parang manhid pa din kahit papunta na ko sa 3 months eh....pero yung glands totally wala na :)

Offline sadgyneguy

  • Gold Member
  • ****
  • Posts: 416
  • Gyne transformed me into a living dead.
To get something you never had, you have to do something you never did...

Dr Benjamin Herbosa's Contact Info (Dr Benny)

Offline jiplanx

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 5
kung binabasa mo to, for sure ay namomroblema ka din sa nagmumura mong dibdib. :) ganyan din ako before. i am 27 years old when i had the surgery. i am 5days post op, pero sobrang saya ko na sa resulta.

nakakahiya man aminin, ilang taon kong itinago ang aking gynecomastia. di ko magamit ang mga gusto kong mga damit dahil sa bumabakat ang aking utong at dibdib sa tshirts, kaya mga maluluwang na damit lang ang aking isinusuot. nung college ako, hindi ako nakapag cum-laude dahil mababa ang grade ko sa PE namin, dahil swimming ang aming indiv.sports. dahil sa hiya, hindi ako umaattend ng aking mga swimming lessons kasi baka pagtawanan nila ako.

noong 4th year college ako, pinipilit nila akong sumali sa school pageant namin, kasi hindi aware ang aking mga teachers sa aking condition. sabi nila, malaki daw ang pag-asa ko na manalo kasi matangkad ako, matalino, diretso mag-english at may talent. pero hindi ako sumali dahil nahihiya ako sa swimsuit competition. madaming mga bagay na akong nai-give-up dahil sa gynecomastia ko.

nung nagka trabaho ako at nagsimulang sumahod bilang nurse, madami akong mga sinubukang mga gamot at exercised para matanggal ang gynecomastia ko. nag exercise ako, nag gym, at  nagdiet diet. hindi tumalab. nagbabawas man ako ng timbang, hindi naman nafa-flaten ang aking dibdib.

may nakita ako sa internet na gamot. 'diet aid of questionable value'. galing ito sa USA, at very promising naman ang mga results sa survey nila. kahit sobrang mahal (12k presyo ng 5 bottles) ay pinatulan ko para lang matanggal ang aking susu or manboobs. hindi sya tumagal after 5mos of use. super in despair ako noon dahil minsan, napagtatawanan ako ng mga close friends ko kasi nasasagi nila yung aking dibdib ng accidentally, tas sinasabi nilang mas malaki pa ang boobs ko kesa sa mga boobs ng mga girlfriends nila..

nag research ako sa internet, at doon lumabas ang pangalan ni DR. BENJAMIN HERBOSA. dahil sa naging skeptic na din ako sa dami ng mga sinubukan ko para matanggal ang aking boobs, nag research research ako tungkol sa anong kaya ni doc. LAHAT NG MGA NAGING PASYENTE NYA AY NAGPAKITA NG BEFORE AT AFTER PICS, AT VERY IMPRESSIVE ANG MGA RESULTS. Dahil dito, nagtanong ako kay doc via Email. laking gulat ko nung nag repond sya agad.. at very warm and accomodating. nagtanong ako sa kanya kung magkano ang operation, at sabi nya naman ay depende din yun sa case at sa budget. nag send ako sa kanya ng picture ng aking dibdib at sinabi nyang GRADE2 gynecomastia ako/ dahil dito, nabuhay ulit ung desire ko na magpatanggal ng dibdib.

sinabi ni doc na para hindi ako gumastos ng malaki, sinabi nya na sa kiing's court medicard ako magpapaopera. mejo natakot ako kasi bilang nurse, alam kong maselan ang operation na ito, at hindi ito dapat ginagawa sa clinic.. pero i was wrong.. yung clinic nya, talagang world class, at very warm and hospitable yung mga nurses doon. lalo na si mam RHAINE.

so, scheduled ako for surgery last march 17, 2014, at sinamahan ako ng tatay ko., after n g routine tests gaya ng BP, temperature at blood labs, sabi ni doc ay fit ako to undergo surgery. mejo mataas ang bp ko noon, kaya pinapakalma ako nina nurse rhaine at ni doc. nakikipag kwentuhan pa nga sila sa akin habang hinihintay ang BP ko na bumaba. very soothing at very calm si doc, kaya alam kong i am in good hands.

yung surgery ay hindi talaga masakit. yung tusok lang ng anaesthesia ang masakit, pero other than that, wala na. :) the surgery lasted for a couple of hours, siguro 1 and a half lang. pinakita sa akin ni doc yung natanggal na gland.. GRABE, ANG LAKI LAKI! GUSTO KONG MURAHIN YUNG GLAND NA YUN SA PAGPAPAHIRAP SA AKIN FOR 27 YEARS! halos maiyak ako sa saya!

matapos ang surgery, lumabas na kami ng OR, at dun ako sinabihan ni doc ng mga pwede at hindi pwedeng gawin.
nung tinanung ng tatay ko kung magkano ang bayad, doc just asked "magkano po ba ang budget nyo, nang mapag-usapan po natin". my dad told him with all honesty na konti lang ang pera namin, at Umoo naman agad si doc. sobrang bait nya! parang hindi issue sa kanya ang pera. mas natutuwa pa sya to see patients happy rather than see his wallet full and thick!
BILANG ISANG NURSE NA NAKASALAMUHA NA SA MADAMING DOKTOR, SI DOC ANG PINAKAMABAIT NA NAKITA KO NA! hindi man lang nya binilang yung pera nung inabot ng tatay ko ito sa kanya.
at eto pa, may tinanggal din syang malaking nunal sa likod ko, free of charge! saan ka makakita ng ganung doktor?????

nung umuwi na kamio ng ilocos after the surgery, may natanggap pa ako txt! si doc HERBOSA! sinabi nya "how are you? kung masakit, inum ka lang ng gamot. happy trip. alalayan mo si dad mo".. parang tropa lang sya na nag-aalala. :)

kinabukasan, kahit nakabenda ako, pumasok na ako sa work, nag motor ako at wala namang problema, pwero iwas lang sa mabibigat na bagay na binubuhat., pero wala talagang sakit after surgery, as in!

naschedule ako for follow up check up last march20,2013. sinabi naman nilang wala kong problema. :) kaya patuloy na lang akong nagpapagaling.
kaya sa mga gaya ko na may problema sa gynecomastia, wag na kayung tumingin sa ibang mga remedies, surgery lang ang makakatanggal ng problema nyo! kung interesado kayo na magpa surgery, txt nyu lang ako sa 09276660551, at ifoforward ko sa inyo yung number ni nurse rhaine at ni doc benny herbosa. nagchacharge kasi yung cp ko, kaya di ko makita number nila ngayon!

salamat doc benny! the surgery was truly life-changing!

Offline firefistjc

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 19

Offline BetterFuture

  • Member
  • *
  • Posts: 3
Hi Everyone. Not sure of what my condition is but I think it falls sa Gynecomastia Category. I don't have man boobs pero I have puffy nipples. Parang classified as Type 1?

I'm skinny and grabe ang insecurity ko with this. I've been dealing with this since 2nd year HS. So it's been 7 years since I had this. I'm way pass puberty and I don't think na mawawala na ito. Bago lang ako nagsimulang mag gym hoping that a couple of chest exercises would alleviate my situation.

Anyways, I'm from Davao but base on your testimonies on Dr. Benjamin Herbosa, I think he could help me. But I have a lot of questions.

1. How much would it cost? Knowing that I'm from Davao City.
2. Does he have a clinic here? or affiliations.
3. Do I need somebody to take care of me esp. after operations.? I haven't told anyone of my plans yet.

Yung lang so far ang aking questions. But pleaaaase help me. You know how it feels to have this situation.


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024