Author Topic: surgery by doc benny hebosa  (Read 5054 times)

Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
Hi guys!
Im 20 years old tapos nagstart etong gyne ko nung 10 years old pa lang ako. Akala ko dati taba lang kasi bigla talaga akong lumobo when i turned 10.

Grabe yung effect talaga nitong gyne na to sa buhat natin. Di ako makapgsuot ng mga gusto kong damit. Kailangan dark colored tapos dapat may print na malaki sa dibdib para di mahalata. Kaya paulit ulit ung damit na sinusuot ko ever since. Kapag mahangin kailangan hawakan ung shirt para di bumakat yung puffy nipples. Kapag nagsuot ng medyo fitted, parang dibdib ng babae talaga yung itsura. Nakakahiya, nakakawala ng pagkalalaki.

Kahit mainit naka jacket or hoodie para lang di makita. Kapag nakaseatbelt, naiipit ung inner chest kaya lalong nagigign halata.

Di makapagswimming, di makasama sa kahit anong outing. Kung ano ano ng dahilan gonagawa ko dati para lang di maghubad ng damit, or kung emergency papatigasin nalang muna ung utong para lang mag mukhang normal tapos sabay talon sa tubig para di na makita.

Akala ko talaga dati taba lang, nung nag high school ako lahat ng parte ng katawan ko pumayat ng sobra maliban sa dibdib ko. So naggym ako, nagdagdag ako ng muscle from 115lbs naging 145lbs ako. Naging okay lahat maliban sa dibdib pa din. Dun ko narealize na may mali talaga. Kasi malapit na ako magkaabs, bakit ganun pa din ung itsura ng dibdib ko. Nakakalungkot talaga. Di ko matignan sarili ko sa salamin. Im in denial. Ayoko tanggapin na may mali sakin.

Nagstop ako maggym kasi napansin ko lumalala, lalong nagprotrude yung puffy nipples ko lalong naging halata sa mga damit. At the same time i found out about this website. Dun ko naintindihan lahat. So i spent time to learn everything i could about this condition.
 
8 months ago, dun ko lang sinabi sa nanay ko. At first ayaw niya, wag daw ako maarte. Pero i let her know kung gano ako sinira ng gyne na to. Sabi ko sa kanya im done. I wanna live my life normally and nasa peak ako ng kabataan ko so gusto ko maenjoy. Thankfully naintindihan niya and promised me na by summer of 2014, ill have my operation na.

So before the holy week, tinext ko si doc benny herbosa ng makati med. Madali kausap si doc, text at viber lang kami naguusap. I sent him my pictures and sabi niya grade 1 gyne daw ung akin. And i asked him kung magkano and he said wag daw ako magalala sa presyo. very flexible si doc sa price.

So nung last saturday april 26, tinext ko si doc kung pwede siya the next day, Sunday. Wala pala siyang work kapag sunday pero he said na he would still meet me that day para lang matapos na ung paghihirap ko.

Then today april 29, nagpunta ako sa kings court sa makati to have my operation. Around 630 nandun ako. Then after checking for my vital signs and after signing the consent good to go na ako.

Di ako kinakabahan ng sobra. More of excitement kesa kaba ung nararamdaman ko.

Ung pinakamasakit na part ng operation is yung injection ng anaesthesia. Pero very tolerable yung pain. Di ko naramdaman na nakatuklap na pala ung nipple ko, then yung feeling ng hinhila ni doc ung gland palabas ung major sensation na mararamdaman mo which is not painful at all pero medyo nakakailang lang. Then sinasabi ko lang kay doc kapag medyo kumikiro, dadagdagan niya ng anaesthesia agad.

Almost 1 hour and a half lang yung buong operation. Minimal pain. Medyo light headed lang ako pagtayo ko. Nakita ko ung dibdib ko, flat. Naexcite ako ng sobra. Pero alam ko na this next few weeks yung mahirap. And may chance na magswell and magbuild ng scar tissues under. Pero okay lang, as long as wala na ung gland sa loob. All in all i paid 40k kay doc benny and babalik ako this sat para palitan ung benda.

After 10 years gyne free na ako! Thank you Doc Benny!

Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
Gland. Yung nasa right, yun yung left gland. And vice versa


Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Galing pre and congrats. Gyne free ka na rin.  ;D
Mas maliit yung gyne mo kesa sa akin, pero mukhang andami dugo.
Nagbleed ka ba masyado? Ilang weeks post op ka na?

Gland. Yung nasa right, yun yung left gland. And vice versa



Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
Salamat! 17 days post op pa lang ako ngayon. Okay naman lahat. Di ko napansin kung may bleeding nung inooperahan kasi di ko tinitignan e.

Okay yung healing. Di ako nagkahematoma. As of now hindi na sya ganun kaflat gaya ng nasa pic, pero mas maganda siya tignan ngayon parang itsurang chest na siya talaga. Ang kinakatakot ko lang ngayon is baka nagpuff ulit yung areola kapag nafill up-an ng kung ano man ung tinanggalan na area. Tapos ramdam ko na may matigas na mass sa right chest, medyo malaki parang golf ball siguro, pero sa left wala. Sana scar tissue or somethibg lang yun although okay pa naman kasi pantay pa din sila ngayon kahit may mass sa right ko tapos sa left wala

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
scar tissue lang yan for sure. mawawala rin yan within 6-12 months.

Salamat! 17 days post op pa lang ako ngayon. Okay naman lahat. Di ko napansin kung may bleeding nung inooperahan kasi di ko tinitignan e.

Okay yung healing. Di ako nagkahematoma. As of now hindi na sya ganun kaflat gaya ng nasa pic, pero mas maganda siya tignan ngayon parang itsurang chest na siya talaga. Ang kinakatakot ko lang ngayon is baka nagpuff ulit yung areola kapag nafill up-an ng kung ano man ung tinanggalan na area. Tapos ramdam ko na may matigas na mass sa right chest, medyo malaki parang golf ball siguro, pero sa left wala. Sana scar tissue or somethibg lang yun although okay pa naman kasi pantay pa din sila ngayon kahit may mass sa right ko tapos sa left wala

Offline canthide4ever

  • Member
  • *
  • Posts: 3
hello sa inyo... i am planning to have a surgery..pede q po ba malaman contact details ni dr benny! salamat po...

Offline canthide4ever

  • Member
  • *
  • Posts: 3
tsaka ok lng po ba malaman yung price range..natatakot kasi aq baka di q kaya yung price..gustong gusto  q lng tlga magkaruon ng normal na buhay..salamat po sa magrereply..^_^

Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
40k lahat ng binayad ko kay doc. Eto contact number nya +63 917 528 3192

Offline canthide4ever

  • Member
  • *
  • Posts: 3
salamat ng marami sir.. hayyy..gusto q na gawin to matagal na kaso puro mahal nakikita qng treatment at operations...salamat tlga..congrats pala sa new life.. ^_^ sana in the near future, maranasan q din yan..


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024