Author Topic: Need advice from Manila  (Read 3443 times)

Offline blissful0520

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 27
Hi guys, after ilang months na pagreresearch.I guess mula ng March since madiscover ko tong site na to..Nag ipon ako ng lakas ng loob to have it done, emotionally and financially. Finally I have it done yesterday. I have it done thru referral ng friend ko cosmetic surgeon. Supposedly gusto ko sana kay Doc Ben since mostly sya ang gumawa dito..Since makakadiscount ako so I decided to have it done sa iba.Experienced naman yung doctor.I've researched his credentials naman.

So ayun na nga. I went to his clinic kahapon..So pagpunta ko..dalawa silang cosmetic surgeon na nag assist sa akin.Sabi ko gynecomastia.Tapos nng chineck nila yng boobs ko..fats daw yun at walang glands. Una nilang tinanong sakin eh kung mataba ako dati, kc loose yung skin ko. I was chubby nung grade school at high school.kaya nadevelop nung high school.Nng college eh nagdecide na ako magpapayat thru diet.

So madalit sabi eh taba yung boobs ko though kc ngyun payat ako, tinanong nya kung nag gygym ako..sabo ko more on cardio lng kc d naman ako makapagbuhat masyado because of my scolio. Anyway, Ayun parang breast augmentation daw gagawin sakin.So nilipo ang ginawa sa akin under local sedation, tinanong ako kung gusto ko ng sedation kaso me added charges so sabi ko wag na lng ( sayang kc)
hehe..so inabot ng 1 hr din yung ginawang lipo sakin..Mga 500cc na fats ang nakuha sakin so parang tig 250cc per boob.madami dami din.

Wala naman akong pain maciado naramdaman sa unang boobs,kaso sa right side eh dun ko meddyo naramdaman yung sakin..yung feeling na nakaskas yung skin..sinabi ko agad kaya naginject cia agad ng anesthesia..medyo nagpanic ako nung nakaramdam ng sakit! hehe.

Right now,,nakabandage ako, bumili din ako ng sogo binder.hirap lng pag nakabinder kc ang sikip.though yung bandage eh ok nakakahinga naman.tinanggal ko muna yung binder. Pwede na daw ako maligo..pero baka after 1 day na.tapos balik ako ng tues for check up..since magleleave naman ako till tuesday kaya ok lng.

Share naman some experience kung pano nyo nilinis yng sugat.gusto ko na kc linisin pero bukas na cguro at gusto ko na din maligo..hehe..

Ramdam ko naman na nagflat cia.sabi nga ng bestfrend ko eh flat na daw..Nakuha ko pa nga mag mall after nung operation.hehe

Offline Endless

  • Silver Member
  • ***
  • Posts: 159
congrats sir

im sure by now nalinis mo na?
kamsta naman results mo?

ako hindi ko naman sya nilinis masyado, i just kept it bandaged no exposure to air so no chance of infection. kahit nag shower ako, hindi ko sya masyado sinabon. i think hindi ko sinabon at all

Offline blissful0520

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 27
Hi Endless,

Its my 6 day post op, so far ok na naman ako, nakakamove na ako ng maayos at nalinis ko na sya. though maga pa rin sya at me bruise. Happy naman ako sa result, laki ng difference compared sa dati  :-X

ang problema ko lang lately kasi pag sa bahay ang ginagamit ko compression eh yung binili kong ab binder sa SOGO kaso ang problema ko eh inaallergy ako. sobrang kati to the point na nagsusugat at mark yung sa may banda ng kili kili ko. kaya nagdecide ako today na hindi muna sya gagamitin.

kasi yung ginagamit ko pang office eh yung compression tank top na binili ko sa rustans. Spanx yung brand. Ayos siya bro. sarap sa katawan.flat kung flat talaga pati yung tyan ko eh naflaflat din nya kaso may kamahalaan lang..hehe pero ok lng naman, worth it naman..

Yey! mag 1 week na ako tom. Cant wait for a month para makita kung anong difference after a month!

Offline Endless

  • Silver Member
  • ***
  • Posts: 159
nagka rash din ako.. pero not after6 days, maybe a bit more. medyo badtrip nga.. ok ung nahanap mo ah! how much is it? kase ako kung magpasurgery ako ulit ayoko na ung binder lang kase halata din sya kapag nakatshirt, parang nahuli na nga ata ako sa office eh, hehe nakakahiya. would u say kasing sikip nya ung ab binder ?

thanks : )

Offline looseSHIRT

  • Silver Member
  • ***
  • Posts: 144
Blissful,

Congratulations!

Offline blissful0520

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 27
Hi endless, 4700 yung bili ko sa tank top ng compression.medyo may kamahalan pero worth it naman..dapat yung adidas bilhin ko kc me color kc unlike yung spanx kc white na tank top so parang sando na panloob lng.

Thanks looseshirt..im on 10th day post op.still maga pa din though parang feeling ko eh mas flat cia nung unang week compared this week..I guess still swelling at nagheheal pa sya..paranoid ako na bigla ulit lumaki, d naman cguro kasi nakita ko yung fats na nilipo..hehe..mag antay pa cguro ako..nakakainip lng kc.. gusto ko na mag 1 month para makapag cardio na ako.

Offline blissful0520

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 27
Hi guys,Im on my 2 weeks post op! hmm bakit parang pansin ko eh mas flat sya nung unang week compared sa 2 week..I dunno kung maga pa din sya,,though nag subside na yung swelling.me mga pain ako minsan na sumusundot pero minimal at minsan parang numb sya,,

I dunno kung napaparanoid lng ako kasi bakit para mas ok sya nung unang week..Im still using the compression vest..I'll wear it cguro hanggang 4 weeks.

Im not eyeing for a super flat chest naman..at status nya ngyun parang chest na me muscle..parang laman.hehe.ang difference eh 70 percent compared dati..na potrude lng cguro yung beer belly,

Any insights,, im planning to go back sa gym after a month


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024