Author Topic: Mastectomy by Dr Benjamin Herbosa  (Read 4985 times)

Offline WhenWillMyLifeBegin

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 9
Hi everyone,

3 weeks ago, depressed ako nun. Pagod na pagod na ako itago yung gynecomastia ko.  Tulad niyo, na try ko na ibandage, tape, which is a bad idea at yung effective, gumamit ng binder. Kaso temporary fix lang to, bawal ka hawakan, kasi magtatanong sila, bat naka baby bra ka? Sabi ko my problema ako sa likod.

Nakakainis rin yung init, kasi nga nakabinder, maguumpisa ring mangitim yung parte na yon at mangati. Pero yung isa sa pinaka malaking problema is yung posture ko, dahil nga na gusto ko itago, nasanay ako na parang kuba. Most of the time halata rin yung binder, kaya parati akong naka jacket kahit mainit.

Iba yung lungkot yung nararamdaman mo pag my gynecomastia ka. Parang debilitated ka. Sobrang walang wala yung self esteem mo.

1 week later, nahanap ko yung site na to. Una kong natawagan ang belo, kaso halos 160k at lipo ang gagawin.  Nag research ako at nalaman kong mali yon, na di masosolve ang problema ko. Ang kelangan kasi alisin yung gland mismo, hindi magbawas ng taba.  Nung natawagan ko office ni Dr. Benny, sobrNg accommodating yung staff. Nakapagset ako agad ng schedule.

After ilang days, dinayo ko yung clinic niya sa makati med. kabado, inalis ko pa binder ko sa cr. lol. Ayon, pumasok si doc, ang gwapo. Totoo nga, hawig ni Edu manzano. Napaka approachable niya at todong naexplain ang type ng gynecomastia ko at kung paano maayos to. Nag offer siya agad na gawin namin yung operation on the same day, mga 2 hours later lang.  Sa sobrang kaba ko, lumabas muna ako, napatawag sa ate ko. Nagusap kami,nanghiram ako ng pera. Natawa siya kasi ang babaw ko raw, sabi ko, ate, kelangan ko to. Pagod na pagod nq magtago sa sayo, kena mama. Pumayag naman siya pero gusto niya next week ko na gawin yung operation kasi biglaan raw.

Nung dumating yung operation day, dumating ako ng an hour early. Sa kingscourt, medyo natakot kasi inisip ko bat di sa makati med gagawin? Pero pagkapasok ko, world class, ang ganda. Ang babait ng nurses, walang bahid ng panghuhusga nung nalaman nila bat ako andon.

Operation na, nakahiga ako. Pilit pinapa calm down ni doc, alam ko magaling siya, di naman sakit yung problema, yung anticipation lang na baka may maramdaman kang sobrang sakit. Sabi niya, sabihan ko lang siya. Mabikis natapos ang op, kada aray ko, gagamitan niya ng anesthesia, sobrang soothing sila ni nurse rain.

Nung natapos ang op, sabi niya tignan ko yung kinalabasan. Akalain mo, halos maiyak ako sa tuwa, ngayon ko lang nakita ng chest ko na ganito. Nakita ko rin yung gland na tinanggal,ang laki, parang breast part ng 2 pcs chicken joy, oo, ganon kalaki.

Nilinis ako, at nagpalit ng damit after ibandage ni nurse rain. Nagusap kami ni doc, sinabi niya yung mga bawal gawin. Naginginig pa rin ako nun, naghalo ang tuwa at kaba. Nung pinasign ako, akala mo abstract painting ginawa ko  sa papel.

Sabi ni doc, balik ako monday para alisin yung mga tahi, sobrang pinapacalm down niya ako, kasi nanginginig pa rin ako.

At home. After ilang hours, i fell asleep. Nagising ako kasi nagtext si doc. Si doc mismo. San ka makakahanap ng doctor na ganon? Ganon ka concern sa patient. Nangumusta kung ok lang ako at na magpahinga ako.

Monday pa balik ko. Ipopost ko rin yung picture ng glands in a bit.

Pero guys, sobrang worth it yung operation. Utang na loob, you owe it ro yourself na maging masaya. Once lka lang magiging 23. 25. 33. Ang hirap mabuhay ng may ikinahihiya. Hangang kelan mo ipagkakait sa sarili mo yung chance na maging masaya?

Again, thank you doc benny. You're a godsend.

Offline WhenWillMyLifeBegin

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 9

Offline WhenWillMyLifeBegin

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 9
Kakabasa ko lang ng post ni screwgyne. Sana di maging ganon yung case ko  :(

Offline WhenWillMyLifeBegin

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 9
Day 4. Medyo natatakot kasi pag certain position. Bigla sumasakit nipple q. Feeling ko dumudugo kahit hindi. Hopefully bukas na balik ko ksy doc.

Offline jiplanx

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 5
Hello po. Scheduled ako ng surgery on march 14. Mejo kinakabahan na nga po ako. Pero gusto ko nang maalis itong gyne ko.

Offline WhenWillMyLifeBegin

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 9
Same doctor? That's good. This will be the best gift you can give yourself. i'm excited for you. Feel free to pm me.  :)

Offline kekaju123

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 11
Hello po! Congratulations and thank you for sharing. Kumusta na po kayo ngayon? Hope mkakapag-post kayo ng recent pics ng chest nyo. May senstation pa ba kayo sa nipples? Magkano po ba total cost ng surgery nnyo?

Offline Paa_Paw

  • Senior Moderator
  • Senior Member
  • *****
  • Posts: 4779
Endorsements and Testimonials are being locked.
Grandpa Dan


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024