Dumating ako sa Huamana sa King's Court around 6am kanina. 7am ang operasyon ko. Excited lang. nyahaha.
Anyway mga almost 7am din nang dumating si doc Benny. Very briefly, pinakita niya yung extent ng area kung ng ki-nover ng gland sa chest. Obvious naman na mas malaki yung kanan ko kaysa sa kaliwa kaya yun ang inuna niya.
Pinapunta ako sa operating room at pakiramdam ko nasa isang US medical TV series ako. lol. In short, impressed ako sa kagamitan ng Humana kahit hindi siya hospital. Sobrang hi-tech. Inaplyan ng local anesthesia yung kanang dibdib at medyo makirot lang nang konti. Actually ang injection lang ng local anesthesia ang pinakamasakit sa buong operasyon. Cool na cool si doc Benny, kwento kwento sa iyo kaya sobrang relax ako. Akala mo walang nangyayari, pero tinalukap na pala ang areola mo. nyahaha. Detalyado si doc, yung step na gagawin niya sasabihin niya sa iyo. Dumating yung part kung saan hinuhugot na niya yung gland. Sabi niya na tingnan ko raw... nang makita ko napamura ako kasi hooong laki. nyahaha. Bukod pa doon kakaibang experience yung lamang loob na lalabas sa katawan mo. Hindi mo alam kung masusuka ka o mamamangha. nyahaha. Anyway, kulay white pala ito na may mga mala dilaw na bilog bilog na taba na nakapalibot. Kaya pag yung doktor ang nagsabi sa iyo na pwede i-lipo ang gyne, hindi yun nagsasabi ng totoo. Hindi mo matantya yung taba na nasa gyne nang pahipo hipo lang sa labas, unless kitang kita mo physically yung gland. So pagkatapos noon, hinugot ni doc yung gland. May mga tinira siya na laman para iwas deformation sa dibdib. Ako naman ayos lang, magkakorteng normal chest lang yung dibdib ko kahit me maiiwan, ok lang sa akin. Pagkatapos habang tinatahi ni Ms. Rain yung areola sa kanan, ginagawa ni doc yung kaliwa. Sobrang bilis lang sa kaliwa dahil mas maliit ito. Pero may in-adjust si doc sa position para pantay siya sa bagong position ng kanan.
Sa wakas natapos din ang operasyon. Tiningnan ko ang dibdib ko one last time bago lagyan ng binder. Flat na Flat, nakakapanibago. Nang matapos ko suotin yung polo ko, wala na yung parang nakaumbok na bakat na mini-boobs na matulis. Mukha na siyang normal chest na makapal... ang saya ng pakiramdam parang nakalaya hawla.
Pagkatapos ng operasyon, pumasok pa ako sa opisina, Mga after 2 hours ko naramdaman yung sakit na medyo dull at makirot pero di naman siya nakakasagabal sa normal na galaw. Uminom ako ng pain reliever na nireseta ni doc. Napansin ko rin na tila lumaki yung kanan ko na dibdib. Expected naman yun kasi mas matindi ang trauma na tinanggap niya kesa kaliwa. So ito ngayon, papagaling muna. Sa Friday balik ko for dressing. Excited na ako na makapag gym ulit at papalakihin ang dibdib para punan yung tinanggalan ng gyno.