Author Topic: Gyne Journal [Philippines - Tagalog Content]  (Read 11637 times)

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Waddup mga pards! Finally me gyne journal na ako. Matagal na ako lurker dito sa gynecomastia.org forum.

Kwento ko muna history ng gyne ko. Normal looking naman yung chest ko hanggang umabot ako ng grade six. Ang akala ko sa simula mataba lang yung dibdib ko kasi tumaba talaga ako habang lumalaki. Pero nagtataka ako sa hitsura niya kasi mukhang maliit na suso at pointed yung nipple. Wala naman sa akin yun hanggang inuulan ako ng kantyaw sa locker room pag nagbibihis na ng damit pagkatapos ng PE. Mula noon nagpapahuli na ako magbihis. Iniwasan ko ang swimming na PE sa hiya na kantyawan ako ulit. Kasabay pa noon ang biglang paglobo ko sa bigat. Binubully ako ng mga kaklase ko. Yung iba harassment ang ginagawa at gustong pisilin pisilin ang dibdib ko. Malupit talaga ang high school.

Nung nag-college ako, elective ko sa PE ang bodybuilding kaya binigyan ako ng program for weightloss. Sa awa naman ng Diyos, epektib yung program at halos 50lbs ang nawala sa akin. Masaya ako kasi yung kumpyansa ko sa sarili bumalik. Nakapaglaro ulit ako ng basketball na di hinihingal. Pero yung "bukol" sa dibdib andun pa rin. Kaya parang nadidiscourage ako kung bakit hindi nawala.

Matindi ang "sting" ng pagkakaroon ng gyne. Alam naman natin yan. Bukod sa gusto natin na matanggal yung gyne, yung psychological wounds na dinulot nito ay dapat humilom din.  Isa dito nagkaroon ako ng phobia na magtanggal ng damit sa harap ng maraming tao. Ayoko ng beach o mga outing sa swimming pool o kahit anong activity na kelangan magtanggal ng damit. Pag naimbitahan ng pick up basketball hindi ako naghuhubad ng damit kahit basa na ng pawis ang tshirt ko. Konti lang ang sinabihan ko na tao tungkol sa gyne. Salamat naman at naiintindihan nila yung kalagayan ko at yung mga takot at insecurity na dinulot nito. Ok din yung me mga kaibigan ka na naiintindihan ka at sumusuporta sa iyo.

Nadiskubre ko ang site na ito mga 7 taon na yata ang nakakaraan. Ineducate ko ang sarili ko sa kondisyon na ito at nabasa ko ang unang post ni sadgyne. Andami natin na-encourage sa kwento niya.  ;D Anyway, 3 to 4 years ago nung una ako nagpakonsulta kay Doc Benny. Base sa kanyang analysis may naghahalong fat at gland yung gyne ko. Nung time na yun ongoing pa yung weight loss ko kaya pinagpaliban ko muna. Baka yung fat component mawala sa kaka exercise.

Ngayon pakiramdam ko, ready na yung katawan ko. Excision ang gagawin sa akin scheduled Tuesday April 8, 7:30am ... so wish me luck.

Before that let me take a "boobfie". Lols.  ;D

Kung titingnan niyo unilateral assymetric yung gyne ko. Mas malaki ang kanan kesa kaliwa. Yung kaliwa mas maliit pero me gland din. Pag pinisil pisil ko ramdam ko yung karne na parang maliliit na holen. lol. Haha excited na ako makita sila sa wakas. Nyahaha...

Hanggang sa muli

Offline pogikasoboobie

  • Member
  • *
  • Posts: 2
goodluck bro! kakatapus ko lang paopera kahapon sa fri na uli balik ko sa kanya for the check up.

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Ikaw pala yung nagpa-opera kahapon. Sa Friday rin balik ko at baka magkasabay pa tayo.

Woohoo sa wakas wala na rin gyne. Di na pointed yung bakat sa polo ko kanina. Nyahaha.

Mamaya ko na post ang yumminess na karne ng gyne at baka ma-shock ang aking mga officemates sa makikita nila pag pi-nost ko dito... lol.

Oo, dumiretso pa ako ng trabaho pagkatapos ng surgery. ganun siya ka swabe. magaling talaga si doc Benny.


Quote from: pogikasoboobie
link=topic=29155.msg188986#msg188986 date=1396913845
goodluck bro! kakatapus ko lang paopera kahapon sa fri na uli balik ko sa kanya for the check up.

Offline pogikasoboobie

  • Member
  • *
  • Posts: 2
mga hapon daw ako bumalik sa fri baka nga magkasabay pa tayo, ako nagcommute pa pauwi bulacan pero everything went well naman, congrats sa atin bro! gusto na gumaling agad para makapag gym na ;D

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
tama ka diyan pre. siguro after 3-4 weeks pwede na mag-gym. papalakihin yung dibdib para punuan yung tinanggalan ng gyne.

mga hapon daw ako bumalik sa fri baka nga magkasabay pa tayo, ako nagcommute pa pauwi bulacan pero everything went well naman, congrats sa atin bro! gusto na gumaling agad para makapag gym na ;D

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Dumating ako sa Huamana sa  King's Court around 6am kanina. 7am ang operasyon ko. Excited lang. nyahaha.
Anyway mga almost 7am din nang dumating si doc Benny. Very briefly, pinakita niya yung extent ng area kung ng ki-nover ng gland sa chest. Obvious naman na mas malaki yung kanan ko kaysa sa kaliwa kaya yun ang inuna niya.

Pinapunta ako sa operating room at pakiramdam ko nasa isang US medical TV series ako. lol. In short, impressed ako sa kagamitan ng Humana kahit hindi siya hospital. Sobrang hi-tech. Inaplyan ng local anesthesia yung kanang dibdib at medyo makirot lang nang konti. Actually ang injection lang ng local anesthesia ang pinakamasakit sa buong operasyon. Cool na cool si doc Benny, kwento kwento sa iyo kaya sobrang relax ako.  Akala mo walang nangyayari, pero tinalukap na pala ang areola mo. nyahaha. Detalyado si doc, yung step na gagawin niya sasabihin niya sa iyo. Dumating yung part kung saan hinuhugot na niya yung gland. Sabi niya na tingnan ko raw... nang makita ko napamura ako kasi hooong laki. nyahaha. Bukod pa doon kakaibang experience yung lamang loob na lalabas sa katawan mo. Hindi mo alam kung masusuka ka o mamamangha. nyahaha. Anyway, kulay white pala ito na may mga mala dilaw na bilog bilog na taba na nakapalibot. Kaya pag yung doktor ang nagsabi sa iyo na pwede i-lipo ang gyne, hindi yun nagsasabi ng totoo. Hindi mo matantya yung taba na nasa gyne nang pahipo hipo lang sa labas, unless kitang kita mo physically yung gland. So pagkatapos noon, hinugot ni doc yung gland. May mga tinira siya na laman para iwas deformation sa dibdib. Ako naman ayos lang, magkakorteng normal chest lang yung dibdib ko kahit me maiiwan, ok lang sa akin. Pagkatapos habang tinatahi ni Ms. Rain yung areola sa kanan, ginagawa ni doc yung kaliwa. Sobrang bilis lang sa kaliwa dahil mas maliit ito. Pero may in-adjust si doc sa position para pantay siya sa bagong position ng kanan.

Sa wakas natapos din ang operasyon. Tiningnan ko ang dibdib ko one last time bago lagyan ng binder. Flat na Flat, nakakapanibago. Nang matapos ko suotin yung polo ko, wala na yung parang nakaumbok na bakat na mini-boobs na matulis. Mukha na siyang normal chest na makapal... ang saya ng pakiramdam parang nakalaya hawla.

Pagkatapos ng operasyon, pumasok pa ako sa opisina, Mga after 2 hours ko naramdaman yung sakit na medyo dull at makirot pero di naman siya nakakasagabal sa normal na galaw. Uminom ako ng pain reliever na nireseta ni doc. Napansin ko rin na tila lumaki yung kanan ko na dibdib. Expected naman yun kasi mas matindi ang trauma na tinanggap niya kesa kaliwa. So ito ngayon, papagaling muna. Sa Friday balik ko for dressing. Excited na ako na makapag gym ulit at papalakihin ang dibdib para punan yung tinanggalan ng gyno.

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Right... ang pinakamasarap.  ;D

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
4 weeks post op na ako mga pre.
Tinanggal na yung binder sa chest at pwede na raw ako maligo at mag gym. Haha

Ito yung mga nararamdaman ko:
1. Dalawang areola somewhat sensitive especially pag nakabakat sa damit. Pag dinadapuan ng hangin sensitive din na parang mahapdi pero di naman masyado.
2. Right chest, ramdam ko ang matigas na scar tissue sa ilalim ng areola. Nakaumbok siya ng kaunti. Sabi ni doc around 1 month pa bago tuluyan lumiit at lumambot yung scar tissue
3. Left chest, wala akong nararamdaman na scar tissue.
4. No sensation sa dalawang nipple. Sabi ni doc babalik daw yan eventually.

Naka encourage lang na napapansin ng mga tao yung pagbago sa hitsura mo kahit di nila alam yung nangyari. Ang usual comment sa akin is parang pumayat daw ko. Sa totoo lang pag me gyne ka, nagmumukha kang mataba.

Will post pics soon.

Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
Pareho pala tayo pre. 1 month before ka nakaligo? Akin kasi 1week post op tinanggal yung tahi tapos kinabukasan nakapag full bath na ako.

Tapos pareho tayo meron mass sa right chest ko pero di lang siya isolated behind areola. Siguro 1.5-2 inches above areola nakakapa ko din ung matigas na mass na yun pero sa left wala

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Medyo matagal pre kasi on the 2nd week nagbleed yung right chest. sobrang dami dugo.

Actually 1st week pa lang naghematoma yung right tapos dri-nain. Tapos ito nga 2nd week nag drain ng kusa so di muna talaga ako naligo. Medyo pasaway kasi ako, may ginagawang kalokohan.

Yung scar tissue din siguro extended ng mga around 1 inch above the areola. Medyo nadeform nga yung areola kasi maumbok siya. Tsaka ngayon yung scar tissue parang pumasok na rin sa nipple kasi puffy na yung nipple. Para ngang may gyne ako ulit.  :-[
Pero temporary lang naman ito. 

Yung left chest wala ako problem, maliit lang yung naramdaman ko na scar tissue at maliban sa tahi flat na flat siya tingan.

Pareho pala tayo pre. 1 month before ka nakaligo? Akin kasi 1week post op tinanggal yung tahi tapos kinabukasan nakapag full bath na ako.

Tapos pareho tayo meron mass sa right chest ko pero di lang siya isolated behind areola. Siguro 1.5-2 inches above areola nakakapa ko din ung matigas na mass na yun pero sa left wala

Offline Poiuytrewqasdfghjkl

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 14
Buti nalang di ako nagbleed post op. Totally kasi di ako gumalaw for the first 2 weeks.

Medyo nagpupuff nga yung sa areola. Pero sa estimate ko mga 30-40 percent lang ung puffiness nya compared sa gyne. So carry lang.

Tiyaga lang sir sa healing. Pasensya lang kailangan!

Offline cobol465

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 47
Magandang umaga, mga tsong.
Update lang, 20 months. Post-Op na ako. So far so good. Walang recurrence ng gyno tissue at hugis panglalaki na talaga ang chest. May nararamdaman pa rin akong scar tissue na medyo matigas. Iniisip ko kung papa turukan ko ito ng steroid kay Doc Benny para mawala or hayaan ko na lang na lumiit over time. Pero option lang yun.
Sa kabuuan, masaya ako na wala na yung sting sa pagkakaroon ng gyno. Wala na yung hiya at pagtatago esp yung mga pagkakataon na kelangan mo mag shirtless (beach, pool, gym, locker, street basketball).

Offline nikkosamide

  • Member
  • *
  • Posts: 2
Bro, ayos na ng chest mo. Di halatang nagpasurgery ka. 👍🏼 Ako rin nagbabalak na magpasurgery. Nacontact ko na si doc Ben kaso wala pa ko budget. Ipon muna. Hahaha. Anong grade daw pala ng gyne mo? Sakin kasi grade 1. Parang parehas rin tayo ng gyne, mas malaki ung kanan. Kahit anong gym ko matulis pa rin ung nipples. Hahahaha!

Offline tutong19

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 5
hi everyone,
finally i found home here, ive been suffering in this condition since i was in high school days, i never expected na marami pla ang kagaya ng pinag dadaanan ko... im 27 yrs old right now and i think this is just the right time for me kasi now palang din ako mkakapag provide ng pang suporta sa operasyon. for how many years grabe din ang pinag daanan ko dahil sa gyne, i cant wear white shirts or any fit shirts kasi talagang jahe noticeable talaga. to the point na nagkaproblema na ako sa posture ko kasi pilit ko tinatago. now i cant wait to contact Dr. Benny... Can you guys give me his latest contacts? i will highly appreciate your help...


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024