Author Topic: Surgery by Dr. Benny Herbosa (Philippines) March 19, 2015  (Read 4131 times)

Offline Notolipoonly

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 5
This 2015 nadiscover ko na ang sakit ko pala ay hindi nakukuha sa exercise. Akala ko ako lang ang nagaalala sa sakit na ito, madami pala. Una kong nahalata ang kakaibang itsura ng nipples at chest ko 7 years ago nung 17years old pa ako. Sinubukan ko magpalaki at magpaliit ng katawan, Nagchest workout ako at nahalata ko na kakaiba ang tubo ng dibdib ko kumpara sa ibang kasabayan ko magbuhat.

Pic nung sinubukan kong magpapayat, kung mapapansin niyo puffy parin nipples, parang malambot padin yung sa chest kahit nagwworkout.


 Niresearch ko netong January 2015 kung paano magpaliit ng man-boobs, at nakita ko na may Gynecomastia palang sakit na hindi makukuha sa workout. Nagconsult ako ng doctors through email and by visiting 2 doctors personally sa clinic nila. Ang una kong kinonsulta personally ay is si Dr. Rino Lorenzo ng TRU(The Renewed You), isang cosmetic and reconstructive plastic surgeon ayon sa profile niya. Ang sabi niya makukuha daw sa SAFE liposuction ang case ko, hindi na daw kelangan ng excision. Ang SAFE liposuction daw ang Gold Standard ng lipo ngayon, kaya na daw makuha ang "gyno" ko, may mga pinakita siyang pictures na ginawa niya na parang katulad din ng case ko.

Tulad daw ng case ko kayang- kaya daw makuha sa lipo yan, PHP 118,000 ang hinihingi niya para sa procedure, no hidden charges or whatsoever. Mabait si Dr. Rino, sabi niya sakin in a similar way, "I dont want to have just patients, I want to have friends", iniiwasan niya din talaga ang excision dahil ayaw niyang matulad ang patient niya sa kanya na may malaking scar sa tiyan dahil sa operang ginawa sa kanya.

As much as possible, ayaw ko talaga magpaexcise dahil sa takot na magkaron ng scar at baka magkamali ang doctor. Kumonsulta pa ako ng dalawang doctor through email, isa sa St. Luke at sa isang clinic sa Manila, parehas sila ng nirecommend na lipo lang ang kailangan.

Sinubukan ko din i-email si Dr Benny Herbosa dahil nakita ko na madaming recommendations(may pictures ng before and after photos), maganda ang resulta ng nakita kong mga gawa ni Dr Benny. Through the years, since 2009 hanggang 2015 nakita ko na may consistent na naguupdate at nagbblog tungkol sa surgery na gawa niya. Nagreply siya sa email ko within 8hours, Grade 1-2 daw ang case ko, kailangan daw iexcise dahil hindi kaya ng liposuction ang case ko. Isang linggo kami na nagusap thru email at tinanong ko siya kung magkano ba sa ang surgery sa kanya, sabi niya, "I usually charge my patients 60-70k with operating room costs na". Tinawagan ko siya the same day, pinaschedule niya ako kinabukasan agad na gawin na ang surgery. Nabigla ako dahil parang ang mura ng asking price niya, nabigla din ako na agad-agad na bukas na ako ooperahan, pinacancel ko na dahil in a few weeks pupunta akong Korea, baka may mangyaring complication at hindi mapuntahan ang doctor.

Sinabi ko na after Korea nalang ako magpaopera. Medyo aggressive si Dr. Benny sa text at sinasabi niyang walang risk daw ang operation, masyado daw akong nagiisip ng negative. Tinanong ko din ang opinion ng family ko about Dr Benny, sabi nila "Its too good to be true", mura kasi ang presyo tapos ang ganda ng results ng surgeries niya sa gyno.

Pagbalik ko ng Korea, tinawagan ko ang Asian Hospital Medical Center, tinanong ko kung sino ang marerecommend nilang Cosmetic Plastic Surgeon para sa Gynecomastia na sakit. Nirecommend nila si Dr Jaime Arzadon at iba pang mga doctor. Si Dr Arzadon ay isang Board certified Cosmetic surgeon, isa din siyang Board certified ENT(head and neck surgeon), 22years in practice. Si Dr Arzadon ang pinuntahan ko dahil siya ang first recommendation ng Asian Hospital. Nagpaconsult ako sa kanya at tulad ng ibang sabi ng ibang doctor, lipo lang daw ang kailangan. P108,000 ang liposuction sa kanya mas mura ng onti kay Dr Rino. Mas mura daw pag sa clinic niya gagawin kesa sa Asian Hospital. Tinanong ko kung makukuha ba yung parang uneven na laman sa chest lo pag nakalean forward. Makukuha daw iyon sa liposuction, magfflatten-out ang chest at yung puffy nipple daw ay mawawala.

Ilang ulit ko siya tinanong tungkol sa puffy nipples kung kelangan ba ng surgery, sabi niya hindi na daw kelangan technically. Willing naman siya i-excise if ever di ako masatisfy. Masaya siya kausap, sinabi niya din na in a similar fashion, "You've made the best leap in your life", some words na pampagaan loob. Frustrated na ako, at ayaw ko nang magconsult ng iba pang doctors, nagtiwala nalang ako sa Asian Hospital sa recommendation nila at kay Dr Arzadon dahil gusto ko na matapos ang problema ko.

Night Before Lipo Pics





Feb 17, 2015 Liposuction Surgery Day - DR ARZADON
Fasting ako, bawal kumain o uminom ng kahit ano after 12midnight.
wala akong tulog dahil kinakabahan ako baka masayang ang ginastos kong pera, baka hindi parin maalos ang puffy nipples at protrusion. Dumating ako sa clinic at pinakausap na sakin ni Dr Arzadon ang aking Anesthesiologist, inexplain kung ano mangyayari sakin during the procedure. Under General Anesthesia ang surgery, pinatulog ako. Nagising nalang ako nang nakavest na, sobrang sikip ng vest, hirap ako huminga. After ng surgery pinakita sakin ang natanggal na fats, madami. May onting relief akong naramdaman, excited ako matanggal at makita ang result. Tinayo ako ni Nurse Abby at pinaupo sa couch, nahilo ako dahil daw sa anesthesia. On my way home, nagsuka ako sa kotse, hindi ko na kinaya yung feeling.
3rd day post-op bumalik ako kay Dr Arzadon para tanggalin ang vest. napansin ko nung pagtanggal niya, parang uneven padin ang chest ko pero mukang malaki ang nagbago, mas flat na siya compared before. Maga lang daw yung nakikita ko.

Post Lipo pics:




Everyday pag tatanggalin ko yung vest, it seems na parang walang nagbago at parang lumala pa dahil umusli yung taba sa left chest ko. I was really disappointed sa result.

During my last check-up with Dr. Arzadon I insisted na hindi ko gusto yung result, na nandun padin yung "laman", yung excess na taba sa ilalim ng utong, puffy padin. Sinabi niya na "acceptable" na daw yung itsura ng chest ko, he even mentioned that my breasts were normal, and I was thinking that andun padin yung gyno, whats normal about it?! I insisted again na gusto ko ng excission para tanggalin yung taba, naghehesitate siya kasi daw "mamamatay" daw yung utong ko. Magiging numb na daw, FOREVER. LULUBOG daw talaga for sure kapag inexcise niya, sobrang disappointed ako sa mga narinig ko.

Naisip ko sa sarili ko na gusto ko ng maalis to agad, lumalala na yung insomnia ko at depression dahil dito sa gyno na to. I kept thinking about contacting Dr Benny Herbosa right after my last consultation with Dr Arzadon. And I called Dr Benny the same day to tell him that I want the surgery to be done by him.

Initial consultation March 12,2015
It was my birthday, Kasama ko ang girlfriend ko sa consultation clinic ni Dr Benny sa Makati Med. Talking to Dr Benny, malalaman mo na alam niya talaga yung ginagawa niya, alam niya yung dapat gawin sa gyno. Mabait si Dr Benny, he made me feel very comfortable sa magiging outcome ng surgery. Tinanong niya kung magkano daw nagastos ko sa lipo at sinabi ko nga na 108,000 at namahalan siya sa presyo. Dr Benny is against liposuction when it comes to Gynecomastia kasi hindi daw nasosolve yung problem, mas pinapalala niya pa kasi it makes the gyno more visible which is what happened to me. Knowing that its my birthday and malaki na nagastos ko before, he just asks for P45,000 instead of the usual P60,000-70,000 he asks for his patients with gyno. Sa price pa lang, "its too good to be true" talaga. Pero this time, alam kong magiging maganda na ang resulta at matatanggal na ang physical anomaly na ito.

Surgery day, March 19,2015 - DR BENNY HERBOSA
Wala nanaman akong tulog, pero not because of worried ako sa surgery ko today, its just nahirapan na ako matulog kakaisip dun sa past surgery ko. I had breakfast which I was allowed to take.

Kasama ko si girlfriend sa clinic, When we arrived at King's Court Makati, we looked for Ms Rain who is very famous here at gynecomastia.org to be very kind. She is indeed very kind, totoo lahat ng sinasabi dito sa forums. Chineckup ako, pinasign ng consent. Umihi ako bago ako operahan. Pagpasok ko sa operating room, I was very happy, I greeted Ms Rain and Ms Jenny(assistants of Dr Benny), Goodmorning! Pinahiga ako, chineck Blood pressure, nilinis chest area at nilagyan ng parang betadine. Pagpasok ni Dr Benny sa operating room sabi niya, "O pare relax ka lang ha, relaaaaax!", tinurukan niya ako ng anesthesia sa right areola and then sa left areola. Tolerable ang sakit ng injection, mahapdi lang ng onti yung formula na pumapasok pero sobrang tolerable. Nagstart kagad si Dr Benny sa paghiwa sa left areola, hindi na naghintay ng matagal para magfully effect ang anesthesia. Ramdam ko ang paghiwa, may onting kirot kasi hindi pa daw masyado gumagana yung anesthesia, nilagyan uli ng anesthesia as soon as sinabi kong,"masakit". Alam agad ni Dr Benny pag kelangan na lagyan uli ng anesthesia kasi napapansin nila agad kapag nagiiba facial expression at pag bigla akong mapapa-aray. Tulad ng ibang post sa forums tungkol kay Dr Benny, totoo na habang mas lumalalim ang paghiwa, mas masakit, pero naaalalayan agad ng anesthesia.
Pero hindi ko inaakalaing makikiliti ako habang hinihiwa/ginagalaw banda sa chest muscle ko, pinipigilan ko ang tawa sa kiliti. Sabi nga ni Dr Benny nang pabiro, "Huy! Tumigil ka, nakikiliti ka pa". Di ko akalain na mas maraming times na kiliti compared sa pain. Pero para sakin ang pinakamasakit ay yung pag-cauterize, ito yung pampatigil ng pagdugo, ramdam ko ang init lalo na pag matagal sa isang spot. Nireduce din pala ang areola(both sides) ko ng kaunti, muntikan makalimutan ni Dr Benny yon buti nalang napaalala ko bago niya tahiin. Masarap makipagkwentuhan kina Dr Benny at Ms Rain, para nga lang daw nagpapagupit sa barbero, pero yung feeling lang parang nagugupit daw tenga mo sa sakit. Wala pang 1.5hrs, tapos na ang operasyon. Nagulat nga din si gf na ang bilis ng operation, pinakita samin ang glandular tissues ko, nakalimutan kong kuhaan ng photo katabi ng palad ko.

Kinausap kami ni Dr Benny about sa operation ko na it was a success, tinanong ko kung pwede ako uminom ng alak agad, "Pwede!" sabi niya. Wala naman kasi daw antibiotic at never daw siyang nagpapatake kasi clean case ang mga ginagawa niya sa gynecomastia. Ang gaan ng pakiramdam nung nakita ko palang yung pictures ng chest ko mula sa phone ni Dr Benny. Salamat talaga Dr Benny kung nababasa mo ito, youre the best talaga!

Pre Op Pics:




Yung gland hindi ko na nakuhaan photo katabi kamay ko, pero kasing laki ng palad pag pinagsama yung tissues


Right after Surgery Pics(subcutaneous masectomy):




4days post-op ako pinabalik ni Dr Benny. Pinalitan yung vest, at mas maluwag na ngayon yung ginawa.
Kaya mejo lubog kasi katatanggal lang ng vest kaya mapapansin niyo yung pressure sa skin andiyan pa.

4days post op pics:






6days post op, tinanggal stitches ni Ms Rain. Babalik ako after two weeks to see the result. Kahit sando nalang na mahigpit daw suotin ko para comfortable. Pag uwi ko medyo nagdugo pero normal lang daw yun sabi ni doc since katatanggal lang ng stitches

6days post op pics:




Sobrang ok na siya compared before. What do you guys think?  :D

Lessons I've learned:
1. Hindi porket nakailang opinion ka na eh tama na ang opinion ng madami.
2. Dr Benny is the real deal. "Herbosa para sa may Gynecomastia!"

Will update pictures after two weeks.

Offline brewmaster

  • Member
  • *
  • Posts: 4
Bro musta na recovery mo? Fully healed ka na ba?


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024