Author Topic: Gyne Surgery/Experience Philippines Dr. Ben Herbosa 2016  (Read 3966 times)

Offline Towelboy

  • Member
  • *
  • Posts: 4
Nung huling nabisita ko ang website na to, ay nagbabasa ako tungkol sa mga gyne procedure/surgery. Tinitignan ko kung sino ang mga doctor na gumagawa nito at si Dr. Ben Herbosa ng Makati Med ang aking napili.

January 8, 2016, bumisita ako sa clinic ni Dr. Ben sa Makati Med para magpakonsulta. Wala akong appointment, ako ay walk-in lamang. Kasama ko ang aking Ina, inexplain nya lahat tungkol sa Gynecomastia at ano ang magiging procedure para matanggal ito. Ako daw ay may grade 1 gynecomastia. Pagkatapos ng consultation ay nagdesisyunan ko na magpa Laboratory Test agad dahill nakumbinsi ako na ok talaga gumawa si Doc Ben.

January 15, 2016, ito ang napili ko na araw para sa Gyne surgery. 8:30am ang aking schedule, bago magsimula ang surgery marami akong forms na kailangan pirmahan at muling inexplain ni Doc Ben ang magiging proseso.

9:00am, ito na ang takdang oras para tanggaling ito gyne ko, masakit ba o hindi? Ang masasabi ko OO, yung anesthesia isa na ata yun sa pinakamasakit na turok na na experience ko sa lahat. Hindi lang isa kundi madaming beses ang turok. Ang pakiramdam ko nung inooperahan ako, parang hinahatak yung balat ko at parang may pinapasok sa ilalim nito. Sa sobrang sakit ay nagrequest ako kay Ms. Rain ng towel na pwede kong kagatin (<kaya towel boy). Natatawa sa akin si Doc Ben dahil para daw akong yung aso nya na laging my kinakagat na doll. Si chewy (<di ko alam kung tama ang spelling haha).


9:57 natapos ang operasyon,

Overall experience: Masakit? OO pero alam ko sa huli ay magiging maganda naman ang resulta physically and also psychologically.Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Doc Ben.


Naka attach yung pre-OP and post- OP pics. Feel free to comment.








Offline karly

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 11
Congrats bro. gyne free ka na. would you mind tell me the asking price sayo ni doc benny. balak ko rin mag pa surgery sa kanya kung kaya ng budget ko. kindly pm me kng magkano ang siningil nya sayo. thanks tol. Congrats

Offline tutong19

  • Posting Member
  • *
  • Posts: 5
Hello ask ko lang ung procedure ba ni dr benny is excision of glandular tissue with lipo na po ba un?

Offline huarenz

  • Member
  • *
  • Posts: 1
Hi,

Congratulations on the surgery. It looks good mate. Sorry but I don't speak Tagalog. Could you please advise how much the surgery cost?

I'm looking to get it done in about 6 months. Considering options in Philippines, Malaysia, Thailand and India. 

Offline birthdayboy123

  • Member
  • *
  • Posts: 2
@Huarenz its around 40-60 thousand philippine peso with dr benjamin herbosa. however thats excision under local anesthesia only without liposuction. Also, you might want to consider where to consult the next few weeks during the healing process. 


 

SMFPacks CMS 1.0.3 © 2024